My own novel has been read by my close friends, yet only one of them had the guts, the time, and the boredom to read all the chapters of the said piece of crap literature that I wrote. Furthermore, I didn’t expect that she would volunteer to critique it. Like, anakngsharkie! Sufergrabush naman yun!
Nagsimula yan kanina : Nag-online siya sa YM at siyempre, kinausap ko. Long time no chat rin kami eh! At dahil wala siyang magawa, naisipan niyang basahin nalang ang aking no-kwela nobela. Narito pala ang aming naging usapan…
(Let’s just call her “D”. Confidential daw ang name niya. :P)
D: Kamusta na yung nobela mo?
Miho: Tapos na yung 1st part, nasa sequel na ako!
D: Sa PC mo ba ginagawa?
Miho: Uu sis, kakatamad magsulat eh. Mas madali mag-type, pindut-pindot lang. (Evident ang pagiging semi-tamad ko dito. Haha!)
D: Gusto mo na ba ipabasa sakin o saka na pag tapos na lahat?
Miho: Bakit sis? Wala kang magawa noohh? (Huli ka! :P)
D: Uu… Kaya naisip kong magbasa ng libro. Kaso naisip ko mas maganda siguro na yung iyo ang basahin. O diba? Mas gusto pa kita kesa sa mga sikat na libro! :))
Miho: Naku sis. Nakaka-flatter naman! Ayan, kinikilig tuloy ako! Kaw palang nagsabi sakin niyan eh!
And the rest were history…
Oh devah? I can’t believe it myself! Pero baka naman binobola lang ako ng friend kong ito? Haha! (Joke lang sis, peace tayo!)
Actually, nung mga iilang segundo palang na binabasa niya yung novel at di pa siya nagrereply, kinakabahan ako. Direct to the point pa naman yang si sis, at prangka pa! Hindi siya yung type ng friend na yung good points lang ang sasabihin…
And so, dumating na nga ang reply niya. Eto yun…
D: Di ko tuloy alam kung comedy ba ito, o drama/romance.
Miho: Yung drama, konti lang. Yung romance, sa may bandang huli. More on comedy yan.
I thought hindi siya natatawa sa mga chorvang jokes ko at nonsense humor ng aking nobela pero…
D: Hehehe, natatawa nga ako eh!
Miho: Wa, baduy talaga noh?
Kitams, pessimistic talaga ako. Sinabi na nga niyang natatawa siya, sinagot ko pang “baduy” ang gawa ko. Humble lang naman siguro ako, diba?
Miho: Sis, dadagdag ko na sa Dedication ha? “Maraming salamat po kay *her true name* na nagsilbing proofreader ng aking nobela.” Ayos ba?
D: Hoy! Wag mong ilagay ang true name ko dyan! Gusto ko, pen name! Pero wala pa ako maisip.
Meaning, she already agreed to proofread my novel! Bonggacious!
But while she’s reading it, she went offline. Bakit kaya? Siguro dahil nahimatay siya sa boredom habang binabasa ang aking nobela… noh? O baka naman kusang nagsara ang kanyang computer dahil hindi na nito nakaya ang kaguluhan ng aking “masterpiece”. Sa tingin niyo, bakit kaya?
~~~~~~~
Lesson Learned: Kapag nagpapa-critique ng isang bagay, siguraduhing hindi masyadong boring ito. Or else… biglang maglalaho ang nagki-critique!